Post by ADMIN AKO on Apr 6, 2006 8:12:05 GMT 5.5
Syota ni Bianca, lumayas ng Pilipinas dahil kay Zanjoe Marudo?
Jojo Gabinete
OO, ang sagot ni Sandara Park sa tanong ng isang entertainment reporter kung papayag ba siya na makasama uli sa pelikula si Hero Angeles. Pero may karugtong ang sagot ni Sandara: Oo, gagawin niya ang pelikula, pero hindi siya magiging masaya.
Hindi uso kay Sandara ang off the record kaya may kasagutan siya sa lahat ng mga tanong sa kanya, pati na ang malaking tampo niya sa ama. Matagal nang hindi nakikita ni Sandara ang ama na inaakusahan niya na umubos ng kanyang mga naipon na pera.
Pinayuhan si Sandara ng mga kausap na reporter na huwag nang pairalin ang galit sa kanyang ama at magtrabaho na lang siya para mabawi ang savings na nawala.
Pinagsisihan ni Sandara ang pagbalik niya noon sa Korea dahil isa ito sa mga dahilan ng pagtamlay ng kanyang showbiz career. Hinding-hindi na raw niya uulitin ang kanyang ginawa.
Hindi natuloy ang pag-aaral niya sa Korea dahil na-late siya sa enrollment.
Naging malungkot daw ang pamamalagi niya sa Korea dahil sila-sila lamang ng kanyang pamilya ang magkakasama at nagdaramayan.
Malaki ang pasasalamat ni Sandara sa Star Cinema dahil sa movie project na ibinigay sa kanya kahit sinasabi ng marami na wala na siyang career.
Si Sandara at ang kanyang real-life boyfriend na si Joseph Bitangcol ang lead stars ng D’ Lucky Ones, isang comedy film tungkol sa dalawang anak (Lucky Girl at Lucky Boy) ng magkaibigan na big fan ni Vilma Santos.
Tampok din sa D’ Lucky Ones sina Pokwang, Eugene Domingo at JR Valentin na napansin ng direktor na si Wenn Deramas nang mapanood siya sa Maximo Oliveros.
Si JR ang gumanap na pulis at love interest ni Nathan Lopez sa Maximo Oliveros. Una siyang ipinakilala sa Bridal Shower ng Seiko Films.
Sa D’ Lucky Ones, si JR ang lalake na pinag-aagawan nina Pokwang at Eugene.
***
May kinalaman kaya ang special friendship nina Zanjoe Marudo at Bianca Gonzales sa pagpunta sa ibang bansa ng TV director na si Lino Cayetano? Pagkatapos ng birthday surprise (fireworks na pinanood ni Bianca mula sa PBB house) niya sa kanyang girlfriend, nagpunta sa abroad si Lino.
Reportedly, nag-file ng leave si Lino sa lahat ng TV show niya sa ABS-CBN para sa kanyang three week-vacation.
Umiral ang pagkamalisyoso ng PBB followers. Nagduda sila na naapektuhan na si Lino sa mga palipad-hangin ni Zanjoe sa kanyang girlfriend.
Palaging nakabuntot si Zanjoe kay Bianca sa loob ng PBB house. Ang dalawa ang madalas na magkausap, magkasabay sa pagsesepilyo ng ngipin at sa eviction night noong Sabado, hindi nakaligtas sa matalas na mata ng televiewers ang mahigpit na pagkakahawak ng kamay nina Zanjoe at Bianca habang hinihintay nila ang announcement ng bagong evictee.
***
Nagsalita na si Joy Cancio noong Sabado sa Startalk kaya inaasahan na tapos ang isyu tungkol sa biglang pagkawala ng Sex Bomb sa Eat Bulaga. Si Joy ang manager ng Sex Bomb at sa interview sa kanya nina Lolit Solis at Butch Francisco, nag-apologize siya kay Malou Choa-f*gar, ang executive producer ng Eat Bulaga.
Humingi rin si Joy ng paumanhin sa mga reporter na tumatawag para hingin ang kanyang panig pero hindi niya sinagot. Inamin ni Joy na dala ng kaguluhan ng isip, napatayan niya ng cellphone si Malou habang nag-uusap sila.
Nag-apologize siya kay Malou sa pamamagitan ng text messaging. Pinatawad daw siya ng Eat Bulaga EP, kasabay ng pagpapasalamat sa mga araw na magkakasama at magkakatrabaho sila sa show.
Nang mabasa ni Joy ang sagot ni Malou, na-realize niya na malabo nang pabalikin sa Eat Bulaga ang kanyang mga alaga.
Sa kabila ng mga nangyari, umaasa ang mga kaibigan ni Joy at ng Eat Bulaga na maaayos ang problema. Sa tingin namin, naayos na ang problema pero hindi na makakabalik sa Eat Bulaga ang Sex Bomb dahil may mga tao na nasaktan.
Puwede pa naman sila na maging magkaibigan kahit hindi na magkakasama sa iisang show.
***
Ipinakita kahapon sa ASAP ang bagong tagline at station ID ng Cinema One. Bida sa bagong station ID si Piolo Pascual at ang kanta na may pamagat na Parang Sine na mula sa collaboration ng mga writer-producer na sina Kats Pador, Aldus Santos and Cenon Palomares, with music by Jesse Lasaten:
The catchy ditty alludes to Cinema One’s new tagline, Ang Buhay Natin, Parang Sine. The music video is a visual ode to Philippine cinema’s most unforgettable personas and moments interspersed with real life vignettes and the result is the surprisingly sweet marriage of reel and real life drama.
Parang Sine the music video was conceived through the joined efforts of CPI Creative Director Chitchat Diangson, Associate Creative Director Tonio Ramirez, Cinema One Creative Group Head Cenon Palomares and the Cinema One Creative Services Team.
Directed by Lanco dela Cruz, Parang Sine’s witty juxtaposition of cinematic moments and scenes from everyday life embody Cinema One’s new rallying call.
A paradigm shift has occurred: The art of cinema no longer alludes to real life. The tables have turned, Life imitates cinema this is the underlying theme behind Cinema One’s new image.