Post by ADMIN AKO on Apr 6, 2006 8:23:35 GMT 5.5
Timing
Zanjoe, bagong crush ng bayan
Rowena Agilada
MOVE over, Sam Milby, dahil heto na ang bagong crush ng bayan, si Zanjoe Marudo.
Mag-aartista na rin ang Bench model at sa gusto o ayaw ni Sam and his supporters, hindi mai-iwasang i-compare sila ni Zanjoe dahil pareho silang nanggaling sa "Pinoy Big Brother."
Sa PBB batch one, naging crush ng bayan si Sam noong lumabas siya sa PBB house. Tinilian ito ng mara-ming fans sa kanyang first TV appearance. Nangyari rin ito kay Zanjoe sa "ASAP" at "The Buzz" na nakakatulig na sigawan ang sumalubong sa kanya sa loob ng studio.
May edge si Zanjoe kay Sam dahil Pinoy na Pinoy ang kanyang dating. Maga-ling siyang mag-Tagalog kumpara kay Sam na isang Fil-Am. Kung dead serious talaga si Sam sa kanyang showbiz career, kailangan niyang mag-aral magsalita ng Tagalog or else, baka maging another Troy Montero siya.
Mas matangkad si Zanjoe (six footer) kay Sam at hunk ang dating ng una. Naka-lamang lang si Sam kay Zanjoe dahil marunong kumanta. Magaling namang sumayaw si Zanjoe na ipinakita niya sa "ASAP." We have yet to see kung may acting talent si Zanjoe na pang-leading man ang porma.
Dinedma ng fans
Naranasan ni Polo Ravales ang dead-mahin ng fans noong nag-taping siya sa "Extra Challenge." Nag-dis-guise kasi siya at may prosthetic make-up kaya hindi nakilala. Nagkunwaring taho vendor at mahirap daw palang walang pumapansin, ani Polo. Naka-disguise rin ang mga kasama niyang sina Sherilyn Reyes at Ehra Madrigal.
Isang matandang kuba si Sherilyn na hindi rin nakilala ng mga tao sa location ng taping nila at ‘yung iba’y pinagta-tawanan pa siya. Si Ehra naman ay gusgusing namu-mulot ng mga bote at diyaryo. Aniya, na-appreciate na niya ngayon ang hirap ng isang basurera.
Silang tatlo ang tampok sa "Maling Akala" episode na napapanood this week sa "Extra Challenge." Mga ka-kaibang pagsubok sa kata-patan at kabutihan ng puso ng bawa’t Pinoy ang matu-tunghayan.
Di naniniwala
Iya Villania grew up in Australia na walang superstitious beliefs. Noong nabasa niya ang script ng "Pamahiin," saka lang siya na-expose sa maraming su-perstitions dito sa Pilipinas. Nalaman niyang kapag may itim na paruparo, ang ibig sabihin ay may taong mahal mo o malapit sa iyo na mama-matay.
Nalaman din ni Iya na bawal magwalis sa gabi dahil itinataboy raw ang suwerte. Malas naman daw kapag may nakasa-lubong na itim na pusa. Hindi naniniwala si Iya sa mga pamahiin pero sinusunod na lang niya, aniya. Wala naman daw mawawala sa kanya.
May pamahiin din na pagkagaling sa burol ng isang patay ay huwag muna didiretso ng uwi sa bahay dahil masu-sundan ka ng spirit ng taong namatay. Sa pelikulang "Pamahiin," isang balikbayan na girlfriend ni Dennis Trillo ang role ni Iya. Childhood sweetheart naman ni Dennis si Marian Rivera na anak ng isang mangkukulam (Jaclyn Jose). It also stars Paolo Contis.