Post by dynes74 on Apr 6, 2006 12:53:54 GMT 5.5
Sino ang niloloko ni Bianca Gonzales, si Direk Lino, publiko o ang sarili niya?
BALITA
April 6, 2006
Sino ang niloloko ni Binaca Gonzales, si Direk Lino, publiko o ang sarili niya?
By: Cristy Fermin
Nagpakatotoo na si Bianca Gonzales! Diretso na niyang nasasabi ngayon na naging mahina siya nu'ng mga panahong nakatira pa sila ni Zanjoe Marudo sa Bahay ni Kuya.
May dalawang salitang paboritong sabihin ngayon si Bianca, confused at dilemma. Sa ganu'ng proseso raw siya dumaan habang pansamantala silang magkahiwalay ng kanyang boyfriend na si Direk Lino Cayetano.
Umiwas man is Binaca sa isyu ay hindi niya makakayang lumusot, mag-aalsa ang mga kababayan nating tumututok sa 24/7, hindi nila maaaring ipagkaila ni Zanjoe ang nabuo nilang pagmamahaalan sa Pinoy Big Brother house.
Nu'ng kalalabas pa lang ni Bianca sa Bahay ni Kuya ay maraming nainis na pilit niyang kinukublihan ng kung anu-anong katwiran ang nabuong pagmamahalan nila ni Zanjoe Marudo. Merong pinoproteksiyunan ang dalaga.
Ang papangit ng mga natanggap naming mensahe sa text pagkatapos ng interbyu sa kanya sa The Buzz. Mapanghusga ang mga salitang binitawan ng ating mga kababayan, lumalabas na hindi pala siya handa sa magiging resulta ng pakikipaglapit niya kay Zanjoe pero bakit naglakas-loob siyang gawin ang ganu'n?
Ang mga yakapan at halikan nila ni Zanjoe sa loob ng Bahay ni Kuya ay nagsasalita para sa kanilang relasyon. Sino ngayon ang paiikutin ni Bianca, ang mga pares ng mga matang nakasaksi sa kanyang kahinaan?
Pero kinabukasan lang ay nagbago na ang tono ng pananalita ni Bianca. May kakambal nang pag-amin, pinanindigan na niyang nahulog nga ang kanyang loob sa modelong binata.
Isang impormante ang nakapagbulong sa amin na talagang hindi alam ni Bianca ang gagawin nu'ng kalalabas pa lang niya sa PBB house. Nagkausap kasi sila ni Direk Lino, at ayon sa aming impormante ay masyadong makasarili ang ideyang isinaksak ng direktor sa utak ng dalaga.
"Du'n na na-confuse si Bianca, she really wanted to tell the truth, pero naapektuhan siya ng pag-uusap nila ni Lino. It has something to do with reputation, puro para sa kanya ang sinabi ni Lino kay Bianca, kaya iyak nang iyak 'yung isa!" sabi ng aming source.
Aminado si Bianca na meron siyang nasaktan sa pakikipaglapit niya kay Zanjoe, pero matindi ang kanyang depensa na walang naganap na pisikal sa kanila, lagi raw niyang iniisip na meron siyang karelasyon nu'ng bago siya pumasok sa PBB house kapag hinang-hina na siya.
Isa lamang si Bianca Gonzales sa mga biktima ng relasyong walang pinanghahawakang matibay na pundasyon. Kahit sampung Zanjoe Marudo pa ay hindi makakayang wasakin ang isang pagmamahalang may malalim na ugat, ang naganap sa kanila ni Direk Lino ay isang rebelasyon ng kawalan ng katatagan ng kanilang pagmamahalan.
"Maraming bawal kay Bianca sa realsyon nila ni Lino. Wala siyang freedom na magpa-interview tungkol sa kanilang dalawa, palagi siyang nakatuntong sa numero, kaya natukso si Bianca kay Zanjoe!" pagtatapat pa ng aming impormante.
Isa lang ang batas ng buhay, kung saan ka maligaya na wala kang masasagasaan, dumoon ka. Kung hindi mo na kaya ang lungkot na dala ng kinapalolooban mong relasyon ay lumabas ka.
Minsan lang tayong nabubuhay at napakaigsi lang ng buhay, utang na loon nating dapat tanawin sa ating sarili ang kaligayahang hindi nabibili at lalong hindi nadidiktahan ng isang maramot na pakikipagrelasyon.