|
Post by babyba on Apr 12, 2006 1:52:21 GMT 5.5
Erlinda Rapadas T., Bulgar, April 10, 2006
Maraming katanungan ang sinagot ni Christian nang pasyalan ito ng ilang entertainment writers sa shooting ng Manay Po. Unang-una na rito ang tungkol sa diumano’y nabuong relasyon nina Bianca Gonzales at Zanjoe Marudo na pareho niyang malapit na kaibigan.
Ayon sa hunk actor, ang isang PBBCE housemate lang daw ang tiyak na makakaunawa kung anuman ang naganap kina Bianca at Zanjoe habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Para sa kanya, pure friendship at biruan lang daw kasi ang naganap.
“Honestly, wala akong makitang malisya sa ikinikilos noon nina Bianca at Zanjoe. Sobra ang bonding naming nina Roxannnne Barcelo. Basta payo ko kay Bianca bago ako lumabas ng PBB house, kung gagawa siya ng big decision, hintayin munang makalabas silang pareho ni Zanjoe sa PBB house.”
Looking forward daw si Christian na makapag reunion silang apat nina Bianca, Roxanne at Zanjoe.
|
|