|
Post by babyba on Apr 12, 2006 1:53:07 GMT 5.5
Roldan Castro, Bulgar, April 10, 2006
ZANJOE HUGAS-KAMAY SA RELASYON NILA NI BIANCA
Hindi nagsisisi si Zanjoe Merudo kung bakit napalapit siya kay Bianca Gonzales at hinuhusgahan sila ngayon.
Exciting ang nararamdaman niay sa namuong ‘friendship’ nila ni Bianca. Minsan lang daw dumarating ang isang kaibigan na mapagkakatiwalaan nina at nasasabihan ng problema. Hindi raw dapat magkaroon ng regrets kung anuman ang kinahantungan nito.
Instat sikat ngayon si Zanjoe pagkatapos niyang lumabas sa PBB house at maging 4th placer. Naging kontrobershiyal dahil lumalabas na siya ang ‘pampagulo’ sa relasyong Binaca at Direk Lino Cayetano. Ano ang unang sasabihin ni Zanjoe ‘ag nakita sila ni Direk Lino?
“Wala akong dapat sabihin sa kanya. Hindi ako lalapit dahil wala naman akong ginawang kasalanan,” deklara niya.
Dedma lang daw siya dahil wala siyang dapt ipaliwanag. Wala raw silang masamang ginawa ni Bianca. Na-misinterpret lang daw ang mga ginawa nila sa loob ng Bahay ni Kuya dahil nae-edit ‘yung mga ipinapalabas sa TV.
Sana raw ay ‘wag silang husgahan ni Bianca. OK! Fine!
|
|