Post by zanjoeshe on Apr 19, 2006 4:18:20 GMT 5.5
ZANJOE ADMITTED THAT HE'S JUST FRIENDS WITH MIKAELA AND THAT SHE IS ALREADY MARRIED.....
NEW LOVE INTEREST OF ZANJOE: NOELLE HERNANDEZ (NICOLE HERNANDEZ' SISTER)
Balita
Beth Macasaet
4-11-06
Zanjoe, mas in demand kaysa kay Keanna Reeves
Sobrang busy ngayon ang PBB Ex celebrity housemate at bagong crush ng bayan na si Zanjoe Marudo. Kaliwa't kanan ang kanyang mga guestings at interviews mapa TV man o radyo. Ayon nga sa mga kasamahan namin sa panulat ay mas visible pa ito kaysa sa tinanghal na grand winner na si Keanna Reeves. Pero noong Lunes ay nacorner namin ito kasama ang kanyang tumatayong handler na si Keren Pascual. At siyempre, malugod na nagpaunlak ang aming kaklase noong kolehiyo na interbyuhin ang kanyang alaga.
Kaya naman hindi na namin pinalampas ang pagkakataon at tinanong agad si Zanjoe hinggil sa kanyang reaksyon na tila biglang nabago ang ihip ng hangin at parang siya na ang humahabol kay Bianca Gonzalez. Natawa lamang si Zanjoe at sinabing "Hindi naman siya dapat magtampo at magalit kay Bianca dahil magkaibigan lang naman sila. Nalulungkot din daw siya para kay Bianca dahil hanggang ngayon ay mukhang wala pa ring linaw ang problema nito sa boyfriend nitong si Direk Lino Cayetano" (anak ng namayapang dating senador na si Rene Cayetano at kapatid na kasalukuyang senadora na si Pia Cayetano). Sinundan kaagad namin ito ng tanong na kung sakaling walang mangyari sa relasyon nina Lino at Bianca ay liligawan nya ba si Bianca? Paiwas ang naging tugon ni Zanjoe na sinabing "Basta kami ni Bianca ay magkaibigan. Kung kailangan niya ang tulong ko, andito lang ako." Naitanong din namin kay Zanjoe ang kumakalat na blind item hinggil sa pagtetext nya diumano sa fellow model na si Mikaela Lagdameo. Natawa lamang si Zanjoe at sinabing "Hindi totoo yan". "Siguro nagsimula ang tsismis na yan ng makita kaming magkausap sa backstage ng Y-Speak kung saan naging guest ako at si Mika. Kilala ko na si Mika noon pa at nakakahiya sa kanya at sa asawa niya". Pero bago umalis ay hiniritan kami ni Keren at sinabing, "Mahina yata ang mga DPA nyo, hindi naman ML yun, baka NH". Naintriga kami sa N.H. na binanggit ni Keren kaya naman hindi namin siya tinigilan hanggang mapaamin namin ito. Nangako kami kay Keren na hindi namin isusulat ang pangalan ng girl sapagkat pribadong tao ito. Ang mabibigay lang naming clue sa N.H. na ito ay kapatid ito ng isa sa pinakasikat at kilalang modelo dito sa ating bansa. Yun na.