Post by zanjoeshe on Apr 19, 2006 4:03:59 GMT 5.5
got this from girltalk forum
Tanod
4-15-06
Romansang Zanjoe at Bianca, hanggang PBB lang
Mukhang walang maaasahan ang patuloy na dumaraming followers ng loveteam nina Bianca Gonzalez at Zanjoe Marudo sapagkat ayon sa ilang malalapit sa dalawa ay may iba't iba na itong inspirasyon. Si Bianca ay back in Direk Lino's arms na samantalang si Zanjoe naman ay nakalimutan na ang Y-Speak girl sapagkat may sinusuyo na itong isang pretty rich girl na kapatid ng isang sikat na print ad model.
Bago pa man mag semana santa ay sinimulan nang ayusin nina Direk Lino at Bianca ang kanilang problema. Noong nakaraang martes ay nakausap namin si Bianca at kinamusta namin kung ano na ba ang status nilang dalawa ni Lino. Nakangiting sinabi nito na "We talked already and we're getting there". Sasamantalahin din daw nila ang holy week para maayos lahat ng gusot ng kanilang relasyon.
Sa parte naman ni Zanjoe ay mukhang wala na rin itong balak ipaglaban ang pagsuyo kay Bianca. Nang makapanayam namin ito bago tumulak sa kanyang bakasyon para sa Holy Week (Ayaw sa amin ipaalam kung saan siya magpapalipas ng Holy week) ay diretso nitong sinagot na wala siyang balak gumawa ng paraan para makuha ang puso ni Bianca. Ayon kay Zanjoe, "Katulad ng sinabi ko ng nasa loob pa kami ng Bahay ni Kuya ay nirerespeto ko na may Boyfriend siya at hindi ako gagawa ng hakbang kung saan may ibang taong masasaktan o masasagasaan". Nang tanungin namin ito kung kamusta naman ang kanyang lovelife at kung may bago na ba siyang inspirasyon? Isang matamis na ngiti ang isinagot sa amin ni Zanjoe at pagkatapos ay hiniritan siya ng kanyang mga kasama na "Si Zanjoe, inspired na inspired yan kay NH". Pati ang manager nitong si Keren ay nakisali sa usapan at sinabing "Tara na, kikiligin na naman yang si Zanj at baka lalong mainlove kay NH". Naintriga kami sa NH na yun kaya naman ay ipinagtanong namin ang katauhan ng girl. Ayon sa aming mga sources, si "N" ay hindi artista ngunit kapatid ng isang sikat na print and TV ad model. Matagal na raw itong type ni Zanjoe ngunit dahil mahiyain ang Bench model ay hindi niya ito sinubukang ligawan ngunit finally ay nagkakilala daw ang dalawa thru a mutual friend nitong nakaraang linggo lamang. Mula daw noon ay naging constant textmate na ang dalawa. Isang malungkot na balita ito sa mga fans ng Bianjoe loveteam na halos araw-araw ay walang humpay ang pag-email sa amin na nagtatanong ng balita hinggil kina Bianca, Lino at Zanjoe. Parepareho naman ang opinyon ng mga kasamahan namin sa panulat na mas mabuti na yan kaysa magmukha siyang kontrabida kay Bianca na obvious na mahal na mahal pa rin ang nobyo niyang direktor.